Tuesday, July 15, 2008

Estudyante

Papasok sa paaralan
Na ang nais ay kaalaman
Bilang paghahanda
Sa kinabukasan.
Maraming aktibidades
And dapat salihan
At mga pagsubok
Na dapat malagpasan.
Musmos na kaisipa’y,
Lilinangin, huhubugin
Ng mga guro’t kaibigan natin.
Mga kaalamang isasali’y
Dapat payabungin
Para sa kapakanan
At kabutihan natin.
Ang mga kaisipa’y
Isasaulo, iisipin
At mga katanunga’y
Sasagutin.
Ilang proyekto
Ang kailangang tapusin
Ilang libong opo
Ang dapat usalin
Upang di-sumabit
Sa markang bitin,
at mga sermong
sampung beses uulitin.
Ilang kalokoha’y gagawin
Upang magkakulay
Ang buhay natin.
Subalit ugaling ganito’y
di-dapat pairalin
kung ayaw mong matulad
kay pedrong lasing
na kuntento na lamang
sa isang singkong duling.
Ang lahat ng ito’y
Dadaanan, dadanasin
Hanggang ang paalam
Ay oras na upang usalin
Para sa mga gurong
Nagging kaibigan natin
At mga kaibigang
Nagturo sa atin.

No comments: